PSA, tatanggap ng reklamo laban sa mga hindi kumikilala sa National ID bilang proof of identity

Tatanggap ng reklamo ang Philippine Statistics Authority mula sa mga kliyente o costumer ng mga bangko, money remittance center at anumang uri ng establisimiyentong ayaw kilalanin ang Philipppine ID card.

Ito ay matapos ang information dissemination, pagpayag ng Bangko Sentral at i-anunsyo ng PSA na dapat ay kilalanin ang ePhilID sa mga transaksyon.

Ayon kay Joey Amante ng Focal Person ng PhilSys Zambales, kapag mayroong establisimyeto na hindi tinanggap ang Phil ID at ePhilID bilang proof of identity ay maaring ireport sa opisina para maaksyunan.

Nagbabala rin si Amante sa mga ganitong establisimiyento na may katapat na parusa ang hindi pagkilala sa national ID.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *