Kinilala ng Philippine Statistics Authority ang mga naging katuwang nito sa kanilang mga programa.
Ito ay kasabay ng kanilang ika-sampong anibersaryo na may temang PSA @10: Providing Quality Services through Digital Transformation.
Kaninang umaga ay isinagawa ang awarding sa isang hotel sa SBFZ bilang pasasalamat sa suporta ng mga stakeholders.
Mula sa mga Local Governments, iba’t ibang mga opisina ng gobyerno hanggang sa pribadong sektor.
Samantala, kabilang ang BNFM Olongapo sa tumanggap ng pagkilala bilang isa sa media partner ng ahensya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
