PSC nakipag-ugnayan kay Obiena upang tugunan ang financial issue ng Olympian

Kumikilos na si Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann para tugunan ang financial issue ni EJ Obiena.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bachmann na nakipag-ugnayan na sila sa Olympian matapos na ihayag ni Obiena sa social media ang kanyang problema sa pananalapi.

Nauna nang ikinalungkot ni Obiena, ang top 3 pole vaulter sa mundo na hindi siya makakasali sa Asian Indoor Championships sa Astana, Kazakhstan dahil sa cargo problems at lumiliit na resources.

Tiniyak ni Bachmann na gagawin ng PSC ang kanilang bahagi para suportahan si Obiena.

Samantala, Sa kabila ng financial issue, nanalo ng isa pang ginto si EJ Obiena, sa pagkakataong ito ay sa 2023 Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland.

Ito ang kanyang ikatlong gintong medalya matapos ang kanyang unang puwesto sa Perche En Or sa Roubaix, France at sa Orlen Cup sa Lodz.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *