PSC, PATAFA gumagawa ng hakbang para ibalik si EJ Obiena sa national team

Ginagawan na ng hakbang ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) para maibalik si EJ Obiena sa national team.

Ayon sa PSC, nagpadala na ang bagong PATAFA president na si Agapito Capistrano ng email letter sa PSC, na nag-aabiso sa kanila na dadalhin nila pabalik ang pole vaulter sa pool.

Dagdag ni Capistrano, na ang desisyon ay kasunod ng bagong tagumpay ni Obiena, na kinabibilangan ng pagkakasungkit ng bronze medal at pagtala ng bagong Asian record sa World Athletics Championships.

Siabi ng PATAFA president na dahil sa reinstatement, ineendorso nila na mabigyan si EJ ng kaparehong allowances na una nang ibigay sa kanya, batay sa kanyang classification bilang world class athlete.

Matatandaan na tinanggal si Obiena mula sa national training pool, matapos siyang akusahan ng PATAFA ng maling pag-gamit sa kanyang allowance, pero kamakailan ay nilinis ng Commission on Audit (COA) ang kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.