Psychological evaluation tiniyak ng PNP matapos na makauwi na ang pulis sa Camarines Sur na ilang araw nawala

NAGA CITY- “Hindi niya alam kung paano niya iniwan ang sasakyan, hindi niya alam kung paano siya nakarating sa Maynila”

Ito ang pahayag ng PNP Baao Camarines Sur matapos na makauwi na ang pulis na si PCpl. Erick Cabilao na noong Nov. 18 pa nawawala.

Sa salaysay sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Mary Grace Tagtag , hepe ng Baao Municipal Police Station , Nov. 24 ng hapon nang makabalik na sa bahay ng live in partner sa bayan ng Nabua.

Matatandaang na Nov. 18 nang mawala si Cabilao, naiwan ang sasakyang umaandar ang makina sa Fabrica , Bula parehong lalawigan. Nov 19 ng madaling araw ng makarating sa Maynila sakay ng bus na hindi nito alam kung paano niya pinara at namalagi sa Maynila sa loob ng apat na araw.

Nang makita nito ang isang billboard na nasa Pasig na siya noong Nov. 23 saka pa lamang ito nag contact via messenger sa pinsang nagtatrabaho roon. Sa puntong iyon saka naman nakipag ugnayan ang pinsan sa mga magulang ni Cabilao na nasa Albay at nagmadaling makauwi sa Bicol.

Ayon kay Tagtag, wala pa sila sa posisyon upang masabi kung nagsasabi ng totoo ang kaniyang tauhan sa ngayon kasi daraan si Cabilao sa psychological evaluation at counseling. Titinggan ang estado ng kaniyang mental health at malaman kung ano ang problema nito.

Hindi inaalis ng PNP Baao ang posibilidad na nagkaroon ng depresyon si Cabilao o di kaya ay nakaranas ng trauma dahil dati itong nasugatan sa insidente ng pagsabog noong assign pa sa Sorsogon.

Apat na buwan pa lamang sa Baao si Cabilao at ayon sa kaniyang hepe na si PMaj. Tagtag wala siyang nakikitang negatibong galaw o ugali at nagawa nito kaagad ang mahirap na misyon o trabahong iniatas. Maayos ang work ethics at hindi lumiliban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *