Psychologist sa Naga City, nagpahayag saloobin sa pagkakoon ng 3.6 milyong pinoy na humaharap sa mental health issues

NAGA CITY- Nadaragdagan ang pagsisikap ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang maiwasan at masaklolohan ang mga Pinoy na dumaranas ng depresyon, substance use disorders  at iba pang porma ng mental health problems pero sa kabila nito nasa 3.6 milyon pa ring Pilipino ang humaharap sa mental issues.

Ito ang bahagi ng privilege speech sa konseho ng Psychologist na si Coun. Gayle Abonal Gomez ng Naga City kaugnay ng National Mental Health Week na laman ng  Presidential Proclamation No. 452, s. 1994.

Aniya 5% lamang ng health care facilities sa bansa ang para sa mental health, hindi rin covered ng PhilHealth ang mental health services kung nais mang maka avail ay mahal sa mga klinika at ospital.

Hindi rin sapat ang mental health professionals para sa populasyon, karamihan sa kanila nasa urban areas wala sa mga maliliit na komunidad sa bansa.

Halos wala ring sapat na budget upang magkaroon ng plantilla  positions sa mga LGU o kung mayroon man mababa ang sahod.

Marami pa aniyang magagawa sa lokal na lebel, bunsod nito, isinulong ni Abonal ang resolusyong mag appoint na si Mayor Son Legacion ng mga miyembro ng Naga City Mental Health Advisory Board,  ito ay nakaangkla sa Naga City Mental Healthcare Ordinance upang mapatibay pa ang mga programa ng LGU Naga at ang mental health services sa pagsalba sa mga dumaranas ng depresyon at maiwasan ang pagkitil ng sariling buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *