Psychosocial activities sa mga teachers at learners ng DEPEd region 2, nagpapatuloy upang mabawasan ang kanilang depression

Tiniyak ng Department of Education Region 2 ang pagpapaigting ng psychosocial activities upang mabawasan ang nararanasang depression o pinagdadaanan ng mga teachers at learners sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Amir Mateo Aquino, ang Head ng Public Affairs Unit ng DepEd Region 2, lahat ng tao ay nakakaranas ng depression at mabibigat na pagsubok ngayong panahon bunsod ng COVID-19.

Gayunman, nakakalungkot aniya na may ilang guro na nagpopositibo sa COVID-19 na nahuhulog sa pagpapatiwakal at bagaman sensitibo ang naturang usapin ay mahirap na maiugnay ito sa depression o trabaho.

Ayon pa sa kanya, upang maiwasan ang mga ganitong senaryo ay nagpapatuloy ang kanilang localized program na nagbibigay ng psychosocial activities para sa mga teaching at non-teaching personnel.

Para naman sa mga learners kahit noong wala pang pandemic ay bahagi na ng kanilang curriculum ang mental health education ngunit lalo pa itong pinaigting ngayong pandemya ang academic ease.

Ang academic ease aniya ay malaking tulong sa mga guro upang magawa ang kanilang trabaho at masagot ng mga mag-aaral ang kanilang module nang hindi sila nahihirapan subalit ‘de kalidad parin.

Sinabi pa ni Aquino na mayroong kabuoang 436 ang nagpositibong mga guro simula noong buwan ng April 2021 kung saan tinatayang nasa 50 nalang sa mga ito ang aktibong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *