PTCAO, hiniling ang kooperasyon ng mga Sorsoganon sa mga aktibidad ng pagtitipon na gaganapin sa lalawigan sa buwan ng Marso

Sa harap ng mga nakalinyang aktibidad ngayong buwan ng Marso kung saan ang lalawigan ang siyang napiling maghost ng mga malalaking pagtitipon, hiniling ng pamunuan ng Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO) ang kooperasyon ng lahat ng mga Sorsoganon.

Ayon kay PTCAO head Bobby Gigantone, mahalaga ang pakikiisa ng lahat upang maipamalas sa lahat ng mga bisitang darating ang maayos, tapat at de-kalidad na serbisyo.

Paraan na rin upang maibida sa mga ito ang pagiging palakaibigan at mahusay na pagtanggap ng mga bisita at pagiging hospitable ng mga taga Sorsogon bilang bahagi na rin ng pagpapalakas ng turismo ng lalawigan at upang mahikayat ang mga ito na muling bumalik sa lalawigan.

Mababatid na sa Marso 1 hanggang 4 ay nakatakdang ganapin sa Sorsogon Convention Center ang kauna-unahang International Conference ng Southeast Asian Multidisciplinary Research Expo and Extension Conference o SEAMREEC na inaasahang dadaluhan ng mga delegado mula sa 11 mga bansa, Dental Association of the Philippines National Conference na gaganapin naman sa ikalawang linggo ng Marso at ang National Conference ng lahat ng mga SB at SP secretaries sa buong bansa na nakatakda namang gawin sa ikatlong linggo ng nasabing buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *