PTCAO Sorsogon patuloy ang paghahanda para sa SEAMREEC

Patuloy ang paghahanda ng Sorsogon Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO) para sa kauna-unahang International Conference ng Southeast Asian Multidisciplinary Research Expo And Extension Conference o SEAMREEC na gaganapin sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pahayag ni PTCAO head Bobby Gigantone, sinabi nito na bagama’t ang Sorsogon State University (SorSU) ang pinaka nangangasiwa sa nasabing aktibidad, bilang nasa turismo ay mayroon silang partisipasyon dito.

Kailangan umano nilang paghandaan ang nasabing event upang hindi mapahiya ang lalawigan sa mga bisitang darating para dumalo sa nasabing pagtitipon.

Anya pa, napakagandang pagkakataon din kasi ito upang maibida ang turismo ng probinsya ng Sorsogon kung saan para masulit ng mga panauhin ang kanilang pag-stay sa lalawigan at maibigay sa mga ito ang serbisyong de kalidad lalo pa na kanilang inaasahan na bukod sa conference ay tiyak na mag-iikot at mamasyal din ang mga delegado sa mga ipinagmamalaking destinasyon sa probinsya.

Ang SEAMREEC ay nakatakda sa Marso 1 hanggang Marso 4 ng kasalukuyang taon at gaganapin sa Sorsogon Convention Center na inaaasahang dadaluhan ng mga kalahok mula sa 11 mga bansa.

Layunin nito na mabigyan ng oportunidad ang mga miyembro ng faculty, guro, iskolar, at mga estudyante na magbahagi ng kanilang scientific knowledege, innovations at practical approaches upang higit pang mapagtibay ang samahan sa pagitan ng mga paaralan sa lalawigan partikular na ang Sorsogon State University at iba pang Higher Education Institutions sa Southeast Asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *