Public Consultation hinggil sa Constitutional Reforms, isinagawa sa Pampanga

Bagaman nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang pag amyenda sa saligang batas, tila mariin pa rin itong isinusulong ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan.

Sa katunayan, nagsagawa ng isang public consultation hinggil sa Constitutional Reforms kahapon sa City of San Fernando, na dinaluhan ng mga kongresistang nagsusulong at ilang tutol para rito.

Kabilang sa mga dumalo sina Deputy Speaker and Pampanga 3rd District Representative Congressman Aurelio Dong Gonzales, Senior Vice Chairperson for the Committee on Constitutional Amendments Lorenz Defensor at Senior Vice Chairperson on Committee on Appropriations Stella Luz A. Quimbo.

Samantala sumentro ang diskusyon sa Economic Provisions ng panukala na dapat na umanong amyendahan, para mas lalong maramdaman ang mga foreign investments sa bansa.

Pinakinggan din ng mga mambabatas ang mga sentimyento ng mga stakeholders mula academe at business sector na dumalo sa konsultasyon.

Giit naman ng komite na may hawak nito sa kamara, napapanahon na ang Constitutional Reforms dahil napag iiwanan na ang bansa pag dating sa mga investments kung ikukumpara sa mga kapitbahay nito sa Asya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *