Public hearing para sa proposed Barangay Health Workers Accreditation, Benefits and Incentives Ordinance sa bayan ng Mercedes itinakda sa Lunes

CAMARINES NORTE- Itinakda sa Lunes, Oktubre 24 ang public hearing kaugnay sa proposed Barangay Health Workers Accreditation, Benefits and Incentives Ordinance sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Gaganapin ito sa Jimmy P. Lo Sports Complex sa ganap na ala una ng hapon.

Sa ilalim ng ordinansa na iniakda ni Councilor Colen Ibasco, para makatanggap ng benepisyo at insenstibo kailangang nakarehistro ang BHW sa Local Health Board.

Kailangan namang tiyakin ng Local Health Board na ang total number of registered BHWs ay hindi lalagpas sa isang porsiento ng kabuuang populasyon ng bayan.

Nakapaloob sa naturang panukalang ordinansa ang mga karapatan ng BHW na tumanggap ng monthly allowance, subsistence allowance, hazard allowance, yea-r end incentive at iba pang benepisyo.

Bukod dito, dalawa pang panukalang ordinansa ang isasalang din sa public hearing sa parehong venue.

Ito ay ang pag institutionalize sa sports development program ng LGU at paglikha sa Municipal Physical Fitness and Sports Development Council na iniakda naman ni Councilor Princess Torallba.

Isasalang din sa public hearing ang panukalang ordinansa na magtatakda ng opisyal na logo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na iniakda naman ni Councilor Jude Hernandez.

Mababatid na naging โ€œpracticeโ€ na ng Sangguniang Bayan ng Mercedes ang pagsasagawa ng isahang pampublikong pagdinig kahit hindi naman magkakaugnay ang ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *