Publiko inabisuhan ng Bataan na maghintay sa posibleng bagong patakaran dahil sa bagong quarantine status

BATAAN-Nag-abiso na ang Bataan Provincial Government sa publiko na maghintay ng anunsyo kaugnay sa mga posibleng pagbabago sa patakaran.

Ito ay matapos ideklara ng National IATF ang pagsasailalim muli sa Modified Enhanced Community Quarantine ng Bataan mula bukas, June 16 hanggang sa June 30.

Panawagan ng Provincial Government na hintayin ang anunsyo sa posibleng pagbabago sa mga trabaho, negosyo at iba pang paghihigpit na paiiralin.

Hiling ngayon ng local IATF ang pang-unawa ng publiko kasabay ng mas mahigpit na quarantine status dahil sa pagtaas ng positibong kaso ng covid-19 na naitatala sa lalawigan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, standing and text that says 'SHOP NOW! Lazada 100Capss ASCORBICA Ascorbate) GUARD-C VITAMIN ~ ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C ww.a'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *