Publiko, muling pinaiiwas sa mga iligal na paputok

Pinaiiwas ng pulisya ang publiko sa paggamit ng mga ipinagbabawal na uri ng paputok ngayong sasalubong sa bagong taon at kapaskuhan.

Ito ay para matiyak na ligtas na maipagdiwang ang new year at walang anumang sunog at aksidente ang mangyari habang nagsasaya ang marami.

Ayon kay Zambales PNP Provincial Dir. Pcol. Fitx Macariola, may mga ligal na uri ng paputok at pampaingay ang pinapayagang ibenta kaya dapat lang na ito ang bilhin ng publiko.

Sa ngayon, wala pang nailalabas na ulat ang Department of Health tungkol sa dami o kung mayroon mang nasabugan ng iligal na paputok sa Zambales at Olongapo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *