Publiko, pinaalalahanan ng PCADG-CALABARZON sa mga budol gang

Nagbigay paalala ang Police Community Affair and Development Group o PCADG CALABARZON sa publiko hinggil sa budol-budol gang sa mga lansangan.

Ayon sa kanila, huwag nang magdala ng mga malalaking halaga ng pera at iwasang magsuot ng mga mamahaling alas dahil mas mainit umano ito sa mata ng mga kawatan.

Iwasan rin anila ang makipag-usap sa mga taong hindi naman kakilala at huwag tatanggap ng kahit na ano mula sa mga estranghero.

Ito ay ilan lamang sa mga paalala ng nga awtoridad upang hindi maging biktima ng mga budol-budol gang, lalo’t sa panahon ngayon ay walang pinipiling oras at araw ang mga masasamang loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *