Publiko pinag-iingat ng DOH-Camarines Sur ngunit inabisuhang huwag magpanic sa monkeypox

NAGA CITY-  Patuloy ang pagbabantay ng Department of Health upang hindi makapasok sa bansa ang monkeypox.

Paliwanag naman ni DOH Camarines Sur Provincial Officer Dr. Rey Millena ang itsura nito ay parang Chickenpox yun ngalang ang monkeypox ay galing sa unggoy na nalilipat sa tao. Sinabi pa nito sa naging panayam ng Brigada News FM Naga na direct contact ang transmission o paghawa, pwede ring respiratory at sexual contact. Maaari itong magresulta sa pneumonia ayon pa kay Millena.

Una nang sinabi ng DOH na walang nadetect na monkeypox  Pilipinas na naitala na sa Europa at North America, may ulat din sa Australia at Canada.

Gayunpaman pinag-iingat ng kagawaran ng kalusugan ang lahat , magsuot ng facemask at iwasang makipagsiksikan.  Gayunpaman ipinunto ni Millena na huwag magpanic , mahalaga lamang na alam kung papano ito maiiwasan.

Noon aniya bakuna ang naging solusyon sa smallpox, hiling ng health official huwag nang dumating sa punto na bakuna nanaman ang kinakailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.