Puerto Princesa City, hindi muna tatanggap ng returning residents-IMT

Hindi muna tatanggap ang Lungsod ng Puerto Princesa ng mga returning resident hanggang September 15, 2021.

Ayon sa Puerto Princesa City Incident Management Team Commander Dr. Dean Palanca,  epekto ng pagbago sa unang deklarasyon ng National Inter-Agency Task Force na imbes isailalim sa General Community Quaranti ne ang National Capital Region (NCR) ay nanatili ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Dagdag pa ni Dr. Palanca, sa unang anunsyo na GCQ ang Kalakhang Maynila ay mayroong mga pinayagan ang IMT, kaya nakapag-asikaso na ang mga ito ng mga kinakailangang dokumento , subalit matapos inanunsyo na balik MECQ ang NRC ay wala na silang pinayagan.

“From the time na hindi pa nag-inform yung national ay may mga pinayagan kaming returning resident, pero since nalaman naming na may binago ang category ng NCR na nagging MECQ na sila, authomatic po hininto namin yung pag-cather ng ating mga returning residents.”  Ani Dr. Palanca.

Ayon pa sa IMT Commander, tanging mga uuwi lamang na residente sa lungsod ang pansamantalang hindi pinayagan, subalit ang mga Returning Overseas Filipinos o ROFs at mga Authorized Persons Outside of Residence ay makakapasok pa rin sa lungsod.

“…yung APOR, Authorized Person Outside Residence naman ay talagang pupuwede yun, pero exemption is returning residents,” dagdag na pahayag ni Dr. Palanca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *