Puerto Princesa City, nais hilingin muli na isailalim sa MECQ.

Plano ngayon ng Incident Management Team ng Puerto Princesa na irekomenda sa Local- Inter Agency Task Force para hilingin sa National IATF na ikonsidera ang pagsasailalim ng buong lungsod ng Puerto Princesa sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Una ng humiling ang Local IATF sa NIATF na katulad nito subalit hindi napagbigyan noong buwan ng Abril sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay IMT Commander Dr. Dean Palanca sa panayam ng Brigada News FM, sinabi nito na hihilingin nila sa NIATF na ma-upgrade ang quarantine classification ng lungsod mula sa kasalukoyang General Community Quarantine (GCQ).

Paliwanag ni Palanca ay nais niyang malimitahan ang kilos ng mga tao sa lansangan ngayong pandemya.“ Number 1 kasi ay ma-lessen natin ang mga taong nandyan sa labas , ‘wag munang lumabas ‘yung mga ‘wag muna kung saan-saan nakakarating , essential lang . Then maghigpit sa mga baranggay , ‘yung mga lumalabas kung sino lang ang may karaparatan lumabas dyan … kasi actually kahit naka GCQ tayo parang normal lang”. – ani Dr. Dean Palanca, IMT Commander

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *