Puerto Princesa, may 15 turista new Covid-19 case mula sa tubbataha

Nakapagtala muli ng 15 bagong aktibong kaso sa COVID-19 ang Lungsod ng Puerto Princesa, mula sa Tubbataha.

Sa impormasyon, ang 15 (3 locals and 12 foreign) ay kasama sa 22 na mga turista na dumating sa lungsod noong June, 16, 2022 at agad naglayag papuntang Tubbataha.

June 19 hanggang June 21 ay 5 sa mga ito ang unang nakitaan ng sintomas at nagpositibo sa Antigen test.

June 22, bumalik sa Lungsod ng Puerto Princesa 22 mga turista kasama ang 26 na mga boat crew.

June 24 naman isinailalim sa RT-PCR test ang 22 turista, kung saan lumabas na positibo sa COVID-19 ang 15 sa mga ito.

Ang mga negative naman na mga turista ay inilagay rin sa quarantine facility habang ang 26 na boat crew ay isasailalim din sa COVID-19 testing bukas, June 27, 2022.

Samantala, ang 15 positibo ay asymptomatic at posibleng makalabas na sa facility sa June 30, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *