Arestado ng mga elemento ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI) at ng Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) ng PNP sa Quezon City ang isang dayuhang pugante na may kinakaharap na kasong fraud sa South Korea.
Kinilala ng BI ang dayuhan na si Son Sobeom, 33 anyos. Ayon sa BI si Son ay naging subject na ng warrant of deportation noong 2017 matapos ma-tag bilang isang undesirable at undocumented alien.

Sangkot umano ang dayuhan sa telecom fraud syndicate at nago-offer ng mababang interest loans sa mga target niyang biktima.
Kasalukuyang nakapiit sa CIDG-ATCU’s facility ang dayuhan habang nililitis ang kanyang deportation case sa bansa