PUJ drivers, bumaba ang daily take-home income sa P300 ayon sa grupong PISTON

Ibinahagi ng transport group na may ilang jeepney drivers na nag-uuwi nalang ng P300 hanggang P400 na daily income para sa kanilang pamilya, sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Ayon kay Transport group Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda, na ang kanilang daily income ay malayong-malayo mula sa estimated family living wage na P1,100.

Batay sa oil trading sa nakalipas na January 23 hanggang 27), sinabi ng oil industry source na ang presyo sa bawat litro ng diesel ay maari pang tumaas ng P0.60 hanggang P0.80 ngayong linggo, habang sa gasolina ay inaasahang tataas ng P1.20 hanggang P1.40 kada kilo.

Ito na ang ang ika-tatlong sunod na linggo ngayong taon na tumaas ang presyo ng krudo.

Sa gitna nito, nangangamba rin umano ang naturang grupo sa mga serye ng oil price hikes dahil hindi lamang sektor ng transportasyon ang pangunahing tatamaan, kundi mismo ang mga mamamayan, dahil tumataas din ang pangunahing pangangailangan at serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *