Pulis, binaril-patay ang misis sa loob ng police station sa Naga, Cebu

Karumal dumal ang sinapit ng isang misis matapos itong barilin ng kanyang sariling mister na isang aktibong police officer sa harap ng kanilang 9 anyos na anak sa loob ng City of Naga Police Station dito sa Cebu.

Kinilala ang biktima na si Heronia Denampo Mata, 39 anyos, kung saan binaril ito ng maraming beses ng kanyang asawa na si police Staff Sgt. Fernando Mata, residente ng Brgy. Tuyan, Naga sa loob mismo ng Women’s and Children Protection Desk.

Sinasabing matagal ng may problema sa kanilang relasyon ang mag-asawa.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Cebu sa kapatid ng biktima na bago sila pumunta sa police station, nagalit umano ang police ng hilingin ng misis nito na sa labas ito makipag-usap sa kanyang kerida.

Nagalit umano ang suspek at sinuntuk ang kanyang misis kaya ang biktima ay nagsumbong at nagpasama sa kanyang kapatid na magtungo sa police station upang magsampa ng kasong violence against women and their children at Physical abuse.

Ngunit sinundan umano sila ng suspek at doon sa loob mismo ng Women’s and Children Protection Desk office, doon binaril ng pulis ang kanyang misis sa harap pa ng kanilang anak.

Ayon sa kapatid na lumabas siya saglit upang sagutin ang tumawag sa kanyang celphone at doon narinig niya ang anim na putok ng baril.

Nadala pa ang biktima sa pagamutan ngunit ideneklara na itong dead on arrival.

Ang suspek ay kasalukuyang naka-detain sa City of Naga Police Station habang inihanda ang kason isasampa laban sa kanya. //93.1 BNFM CEBU – ARIES ATUEL
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *