Makikipagkumpitensya ang Sorsogon Police Provincial Office sa 79 na Police Provincial Office (PPO) para sa pinakamahusay na police provincial office sa bansa.
Ito ang ibinunyag ni Police Director, PCol Dionesio Laceda sa Presscon noong Sabado sa isinagawang paggunita ng isang taong panunugkulan bilang gobernador ni Jose Edwin Hamor sa lalawigan.
Ayon kay PD Laceda, nasa Sorsogon na ang isang tim mula sa PNP headquarters para magsagawa ng Field Evaluation and Validation.
Sa pagbisita ng koponan, ipapakita dito ng Pulis Kasanggayahan ang mga nagawa ng yunit kapwa administrative at operational.
Sa impormasyon na ekslusibong nakuha ng Brigada News, tatlong PPO lang ang maglalabanlaban ngayong taon para sa nasabing titulo at maliban sa Sorsogon PPO, kabilang din ang Negros Occidental at Cotabato PPO.
Samantala, ang Sorsogon City Police Station ay makikipagkumpitensya rin sa Tacurong CPS at Roxas CPS para naman sa titulong Best CPS.
Ang iba pang himpilan ng Pulisya sa Bicol na kasama sa kumpitensyon ay ang Police Regional Office 5 bilang Best PRO, Naga CPO bilang Best City Police Office, Daet MPS bilang Best Municipal Police Station, Camarines Sur 1PMFC bilang Best Prov’l Mobile Force Company at Naga CMFC bilang Best City Mobile Force Company.
