Pulis na nabaril sa Naga pumanaw na; PNP Regional Office 5 kinilala ang kabayanihan nito

NAGA CITY- Pumanaw na ang pulis na nabaril nitong Huwebes Hunyo 6, 2023 sa Naga City matapos na mauwi sa shoot out ang pagresponde nila sa insidente ng pamamaril sa Barangay San Felipe.

Kinumpirma ni PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office  na binawian na ng buhay si Patrolman Ronnie D. Revereza Jr, bandang ala 1:50 ng hapon kahapon habang ginagamot sa isang pribadong ospital sa Naga.

Nabisita pa sana ito sa ospital  ni Regional Director PBGEN Westrimundo  Obinque, tiningnan ang kalagayan at nag nagbigay ng monetary assistance para sana sa pag-papagamot nito.

Sa opisyal na pahayag ng PRO5 kinilala ang kabayanihan ni Revereza Jr, nagpaabot na rin ng pakikidalamhati pati ang mga kasamahan nito sa organisasyon sa rehiyon at mga nakasama sa trabaho sa Naga.

Matatandaan na Hulyo 6, nang rumisponde ang mga otoridad kasama ang barangay official sa sumbong sa pamamaril sa delivery rider na si Ryan Vargas.  Hindi na nadatnan ng PNP sa subdibisyon si Vargas dahil dinala na sa ospital.  Naghahanap ng CCTV footage ang pulis kasama ang Kapitan , makikiusap sana sila sa bahay ni Eric Sison pero walang sumasagot sa halip biglang bumulagta ang pulis na si Revereza Jr.

Sa puntong iyon kumuha na ng back up ang responding team,  kasama ang SWAT, pinakiusapan si Sison na sumuko pero nauwi sa putukan at sinawimpalad ang suspek.

Daraan naman sa ballistic examination ang bala na tumama sa delivery rider na kahapon ay brain dead.

Si Sison ay dati nang nasangkot sa indiscriminate firing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *