Pulis na suspek sa pamamaril sa Malabon City na ikinsawi ng dalawang indibidwal, sasampahan na ng kaso

Nakatakda nang sampahan ng kasong pagpatay ngayong araw ng Malabon City Police Station ang pulis na nakapatay sa dalawa katao sa Bgy Acacia, Malabon.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Col. Eunice Salas ang tagapagsalita ng National Police Region Office sa Brigada News FM.

Ayon kay Salas, bukod sa kasong pagpatay, nagsasagawa na rin ng moto propio investigation ang District Internal Affairs Office o IAS para sa kasong administratibong kahaharapin din ni Patrolman Zenjo Del Rosario na miyembro ng Station Drug Enforcement Unit- Malabon City Police Station.

Kumpirmado na rin may kinalaman sa iligal na droga ang motibo ng krimen gayunpaman ay tumanggi muna silang magbigay ng kargadagang detalye hinggil dito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP CIDG Custodial Facility ang pulis na suspek.

Matatandaang batay sa imbestigasyon na isinagawa ng pulisya, nangyari ang pamamaril sa bahay ng isa sa biktima na si Alexis Guitierez.

Nadamay dito ang dalawa niyang kasama na sina Jay Bacusmo at Baby Tadiamon, tanging si Tadiamon ang nakaligtas sakabila ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa tulong ng CCTV agad na naaresto ang suspek na si Del Rosario.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *