Pulis natakasan ng nakaposas na akusado; ‘pursuit operations’ nagpapatuloy

SORSOGON CITY – Nakatakas ang lalaking akusado sa pagpatay at pag-aari ng hindi lisensiyadong baril nang tumalon ito sa police mobile car dakong ala 7:30 kagabi sa Brgy Macabog, Sorsogon City.

Kinilala ang nakatakas na si Ex Patrolman Benito Sarcilla Julian Jr., 36-anyos, may asawa, dating miyembro ng PNP at residente ng Brgy Gabao, Irosin, Sorsogon.

Sa report, katatapos lang umano ng medical examination ng akusado sa Sorsogon Provincial Hospital at pabalik na ng himpilan ng Pulisya, subalit hindi pa nakalalayo sa ospital ay bigla umanong tumalon ito sa sasakyan at mabilis na tumakbo sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

  Agad namang nagpalabas ng flash alarm at nagsagawa ng hot pursuit operations ang PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *