Pulis, patay matapos magulungan ng isang trailer truck sa Cagayan de Oro

Patay ang isang pulis matapos masagasaan ng trailer truck sa Brgy. Kauswagan ng lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Josel Yongco na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion- Police Regional Office Northern Mindanao.

Sa imbestigasyon, inihayag ni Traffic Enforcement Unit Investigator Police Corporal Rodulfo Abaday Jr. na nasa parehong direksyon ang motorsiklong minamaneho ng biktimang pulis at ang trailer truck na minamaneho ng isang Randy Abuabu resindete sa Villa Candida Subdivision, Bulua nitong lungsod.

Nang biglang nangyari ang aksidente at nabangga ng motorsiklo ang trailer truck na naging dahilan na nadaganan ito ng trailer truck ang biktima.

Ayon sa driver ng truck, hindi niya napansin na may katabi siyang motorsiklo.

Sa ngayon nakakulong ang driver at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.
Samantala, patuloy na nagbabala si Corporal Abaday sa mga motorista upang hindi na maulit ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *