Pulis sa Cagayan, pinagbabaril-patay

Patay ang isang pulis matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa makilalang mga salarin pasado alas-8 kagabi sa Barangay Libertad, Abulug Cagayan.

Ayon sa Abulug Police Station, kinilala ang biktima na si PMaj. Rafael Tangonan, residente ng Ballesteros, Cagayan.

Una rito ay nakatanggap umano ng tawag ang PNP Abulug hinggil sa nangyaring pamamaril sa harapan bg isang hardware shop.

Agad naman itong inaksyunan ng mga PNP Personnel kung saan nadatnan sa lugar ang duguang biktima at wala nang buhay.

Nakasakay ito sa kaniyang Toyota Hilux na tadtad sa tama ng baril.

Batay umano sa mga nakasaksi, nakasakay sa isang Toyota Innova na kulay brown ang bumaril sa biktima gamit ang long firearms.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam pa ang motibo sa naturang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *