Pulis sa mga simbahan sa Naga City, dinagdagan

NAGA CITY – Nadagdagan ang bilang ng mga pulis sa mga simbahan sa Naga City.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni San Francisco Punong Barangay Efren Nepomuceno kaugnay ng Semana Santa.

Sa San Francisco Church naging apat na; dalawa sa maghapon at dalawa naman sa buong magdamag na ang pinakalayunin ay matiyak na tahimik at ligtas ang publiko.

May Amang Hinulid din sa San Francisco Church , na kabilang sa mga binibisita sa lungsod.

Maging ang ibang mga simbahan sa lungsod ay may mga dagdag na pulis na din sa paligid.

Ayon kay Nepomuceno, sentro ng lungsod ang kanilang barangay na mas lalong maraming tao ngayon dahil sa pag obserba ng semana santa kaya kailangan na matiyak niya ang seguridad sa lugar sa tulong ng mga pulis , barangay tanod at force multiplier.

Kaugnay nito pinaalalahanan niya ang mga kabarangay na tiyaking naka unplug ang mga appliances bago umalis at siguraduhin ding naka padlock ang mga pinto at mga bintana, para hindi makapasok ang mga masasamang loob.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *