Pulisya sa Canada iniimbestigahan na ang pamamaril sa 17 wild horses

Iniimbestigahan na ng mg awtoridad ang pamamaril sa labimpitong wild horses sa Canada.

Ayon kay Royal Canadian Mounted Police Corporal James Grandy, ang mga kabayo ay natagpuan sa lupain ng gobyerno sa hilaga ng Walhachin, 40 milya ang layo sa British Columbia province.

Sinuri na ng isang forensics team ang lugar kasama ang isang beterinaryo at isang RCMP livestock investigator .

Hindi pa makumpirma sa ngayon ng pulisya ang motibo sa pamamaril at suspek sa likod ng insidente//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *