NAGA CITY- Naka full alert status ang pulisya sa Naga City kaugnay ng Peñafrancia Festival.
Ayon kay Naga City Police Office City Director PCOL. Nelson Pacalso , wala sa kanilang mag li-leave at at ang mga maka-leave naman ay dapat bumalik na , ito ay kahit na may nasa 1, 200 na mga dagdag na puwersang pulis ang Naga , mga suldalo at iba pa na kung lalahatin ay aabot ng dalawang libo.
Sa Setyembre 8 na gaganapin ang Traslacion ayon kay Pacalso sa Setyembre 7 puwedeng dumating ang na augmentation force.
Samantala , dati rati ay nagkakakaroon ng signal jamming bilang parte ng security protocols sa mga malalaking religious and non-religious events, tinitinggan pa ng Security Cluster ang sitwasyon.
Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga , hinihintay pa nila ang pinal na assessment sa risk factors.
Kasama rin sa pinaghahandaan ng NCPO ang Regional Bar examination na gagawin ang unang araw sa Fiesta mismo ni Inang Peñafrancia ngayong Setyembre 17.