Pulisya, sisiguraduhin mahuhuli ang suspek na naghagis ng granada sa bus terminal sa Batangas

Sinisiguro ng pulisya na mahuhuli ang suspek sa likod ng paghahagis ng granada kahapon ng madaling araw sa isang bus terminal sa Barangay. Bugaan East, Laurel, Batangas kung saan siyam na mini bus ang napinsala.

Wala naman nasaktan o nasawi sa insidente.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office Director Police Colonel Samson Belmonte, nakikipagtulungan na rin ang lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang imbestigasyon at sa paghuli ng di pa nakikilalang suspek.

Bago ito sabi ni Col. Balmonte, batay sa kanilang imbestigasyon , nasa loob ng isa sa mga bus at nagpapahinga ang gwardyang kinilalang si Albert Serrano na nakaparada sa naturang terminal nang bigla itong magising sa lakas ng pagsabog mula rin sa sa nakaparadang bus kung kayat ito ay agad na lumabas.

Nagulat na lamang ito ng makitang basag na ang mga bintana ng bus kung saan nangyari ang pagsabog.

Iginiit ni Belmonte na hindi kukunsintihin ng pulisya ang ganitong gawain na nagreresulta ng kaguluhan at pagbasag ng katahimikan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *