Pulitikong sangkot sa vote buying, ikukulong! – Comelec

Nanindigan ang Commission on Elections na pananagutin nito ang mga pulitikong mapatutunuyang namimili ng boto.

Sa isang panayam, ibinabala ni Commissioner George Garcia na mahaharap ang isang kandidato sa pagkakakulong ng hanggang sa anim na taon.

Maliban pa ito sa disqualification at iba pang offenses na kahaharapin ng kandidatong napatunayan na sangkot sa vote-buying.

Tiniyak naman ni Garcia na sakali mang mapatagal ang pagproseso sa kaso at naabutan na ng resulta ng eleksyon, may kapangyarihan pa rin aniya ang Comelec na magpatanggal ng mga mananalong local officials.

Samantala, nanawagan naman ito sa mga magiging complainant na ‘wag i-atras ang isasampa nitong reklamo nang sa gayon ay mabuo ang ebidensya laban sa akusadong kandidato.

Sa ilalim ng anti-vote buying task force na pinangalanang ‘Kontra Bigay’, sanib puwersa ang iba’t ibang ahensya ng Gobyerno sa pagtugis ng mga kumakandidatong namimili ng boto.

Kabilang sa bumubuo nito ay ang Comelec, Department of Justice, National Bureau of Investigation, Public Attorney’s Office, Presidential Anti-Corruption Commission, at Philippine National Police.#//LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *