Pulong ni PBBM at US President Biden tuloy na sa sidelines ng 77th UN General Assembly

Nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at French President Emannuel Macron sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly.

Sa larawan ibinahagi ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos makikitang nagkamayan ang dalawang lider.

Bagama’t wala pang detalye sa pulong ng dalawa, una nang nagkausap sina Marcos at Macron sa pamamagitan ng telepono dalawang araw bago ang UNGA event.

Sa naturang pag-uusap nagkasundo umano sina Pangulong Marcos at ang na magtulungan para palalimin ang bilateral na ugnayan ng Pilipinas at France at palakasin ang kooperasyon sa larangan ng depensa, low-carbon energy at food security bukod sa iba pang mga usapin.

Samantala kinumpirma naman ngayong ng Malakanyang na naitakda na ang pulong nina Pangulong Marcos at US President Joe Biden na posible umanong maganap sa Biyernes oras sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Marcos na gusto niyang maka-one-on-one si Biden habang nasa US trip upang talakayin ang ilang mahalagang usapin sa pagitan ng bansa at Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *