Pumatay sa konsehala sa Nueva Ecija, ex nitong pulis

Arestado na ng pulisya sa Nueva Ecija ang suspek sa pananambang sa lady councilor ng Sto Domingo Nueva Ecija na si Angelique Alexis Paulino.

Kinilala ang suspek na si Patrolman Saddam Pascual, naka talaga sa La Union, at dating karelasyon ng biktima.

Nitong Linggo nang pagbabarilin ang konsehala habang sakay ito ng kanyang sasakyan, at papunta sana sa isang high school reunion.

Selos naman ang itinuturong motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *