Pusa, kabilang sa mga nagsipagtapos sa University of Texas  

Texas, USA–  Nag trending sa social media ang larawan ng isang pusa sa Texas dahil sa suot nitong graduation attire matapos na makabilang sa mga nagsipagtapos sa University of Texas Batch 2022.

Batay sa ulat, kinilala itong si Suki – isang 1 year old na Tabby Cat na hindi lamang kabilang sa mga graduates kundi ikonokonsidera ring “honorary student” ng nasabing paaralan.

Ayon sa amo nito na si Francesca Bourdier, kasama niya sa pag attend ng kanyang online class ang pusang si Suki at araw-araw din itong nasa tabi ng kanyang laptop sa tuwing siya ay nag-aaral.

Dahil dito, nakasama sa graduation ceremony ang pusang si Suki habang nakasuot din ito ng toga, cap at hood sa mismong araw ng graduation.

Bukod dito, nagpaabot rin ng pagbati ang pamunuan ng University of Texas sa nakapagtapos na pusa.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *