Pusit na malaki pa sa tao, namataan ng mag-asawang divers sa Japan

NAMATAAN ang tinatayang aabot sa 8.2 talampakang giant squid na mas malaki pa sa tao sa baybayin ng Toyooka City, Japan, nakita ito ng mag-asawang divers na sina Yosuke at Mina Tanaka.

Ayon sa mga divers, nakita nila ito sa loob lamang ng 30 minuto na pag-dive, bagaman tila nanghihina at natatangal na ang ilang bahagi ng balat nito gumagalaw pa ang mga tentacles ng naturang higanteng pusit.

Kwento pa ng mag-asawa, nabanggit sa kanila ng ilang residente sa isang fishing shop ang tungkol sa mga pusit kaya minabuti nila na mag-dive para hanapin ang mga ito.

Ikinagalak aniya nila ang kanilang pag-dive dahil nakakuha sila ng mga larawan at abot kamay nilang nasilayan ang pusit ngunit, ikinatakot niya ang napakalaking mata nito.

Batay sa mga marine expert, hindi ito pangakaraniwang pangyayari dahil nakatira sa malalim na bahagi ng dagat ang malalaking pusit ngunit ayon sa kanila, madalang itong pumupunta sa mababaw na bahagi ng dagat lalo na ang malapit sa baybayin.

Samantala, ayon sa honorary researcher ng National Museum of Nature and Science, ang nasabing pusit ay nasa dalawang taong gulang at itinuturing na medium-sized lang dahil umaabot umano sa 43-ft ang isang giant squid.

Naitala din na mayroon ng mga insidente na umatake ng tao ang mga giant squid dahil nature ng mga ito na atakihin ang anumang bagay o nilalang na hindi pamilyar sa kanila  lalo na kung makakaramdam sila ng panganib.### JENIFER PANTE – Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *