Putin at Biden tatalakayin ang ‘ransomeware attacks’ sa Geneva summit

Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na handa ang kanilang bansa na i-extradite ang mga cyber criminals sa America pero dapat ay “reciprocal basis” o ibalik din sa kanila ng America.

Sinabi ni Putin na dapat ay pairalin ng Russia at America ang equal commitment kung saan ibibigay din ng America ang mga criminals sa Russian federation.

Ang pahayag ni Putin ay lumabas bago pa man ang June 16 summit kasama si US President Joe Biden sa Geneva.

Umaasa umano si Putin na ang kanilang pulong ni President Biden ay magiging daan para maibalik ang magandang relasyon ng Russia at America

Una nang inihayag ni State Department Spokesperson Ned Price na ang isyu ng ransomeware attacks ay posibleng mapag-usapan ng dalawang leader sa Geneva.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *