Putin, ipinag-utos ang partial mobilization sa Russia

Ipinag-utos ni President Vladimir Putin ang “partial” mobilization sa Russia, na isang escalation sa military operation ng Moscow sa pro-Western Ukraine.

Ayon kay Putin, ikinokonsidera umano niyang kailangang suportahan ang proposal ng Defense Ministry at ng General Staff na magsagawa ng partial mobilization sa Russian Federation.

Dagdag nito, nalagdaan na rin ang isang mahalagang decree na kasalukuyang ipinapatupad na.

Sinabi ni Putin na gagamitin ng Russia ang lahat ng kanilang available means para protektahan ang kanilang teritoryo, kasabay ng pag-aakusa sa West na umano’y pinapahina, hinahati-hati hangang sa masira ang kanilang bansa.

Babala ng Russian president para sa mga nagnanais na mang-blackmail sa kanila ng nuclear weapons, na maaring bumalik umano ang direksyon ng hangin sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.