Putin tinawag na “mad and thoughtless” ang sanction ng West sa Russia

Tinawag na “mad and thoughtless” ni Russian President Vladimir Putin ang ipinataw na sanction ng West sa kanilang bansa kasunod ng pag-atake sa Ukraine.

Ang pahayag ay ginawa ni Putin sa isang forum sa St. Peterburg kung saan iginiit nito na hinding hindi magtatagumpay ang “economic tactic war” laban sa kanila.

Sa halip aniya ay mas peligroso ang mga restrictions sa mga bansang nagpatupad nito.

Binigyang diin ni Putin na maaaring mawalan ang European Union ng mahigit sa $400bn sa ipinataw nitong sanction sa Russia .

Tila taliwas naman ito sa pahayag ng sariling opisyal ni Putin na nagbabalang maaapektuhan ang ekonomiya ng Russia dahil sa mga sanctions na kinakaharap nito.

Sinabi ni Central Bank Governor Elvira Nabiullina na posibleng 15% ng kanilang GDP ang posibleng maapektuhan dahil sa international response.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *