Sa gitna ng plano ng transport groups na magsagawa ng isang linggong welga, pinanatili ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pangangailangang gawing moderno ang mga pampublikong sasakyan sa bansa.
Ang nakaplanong transport holiday sa National Capital Region at Region 3 mula March 6 hanggang March 12 ay gagawin para ipahayag ang pagtutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Bautista na noon pang nakalipas na administrasyon nailarga ang modernization program at apat na beses na itong naantala.
Nakausap na aniya nito ang leader ng isang transport group at handa silang makipagdayalogo para malinawan sa tinututulang modernisasyon.
Naniniwala ang opisyal a na ano mang hindi pagkakaintindihan sa programa ay madadaan sa paliwanag at maayos na pag-uusap dahil ang isinaalang-alang dito ay ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero. //CA