PWD athlete, nanawagan na patuloy silang suportahan ng susunod na administrasyon

Nanawagan ang mga atleta sa sektor ng Persons with Disability (PWD) na patuloy silang suportahan ng susunod ng administrasyon sa kanilang kakayahan sa mundo ng sports sa pamumuno ng Philippine Sports Association for the Differently Abled o PHILSPADA sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon sa miyembro ng Pilipinas Warriors men’s national wheelchair basketball na si Kenneth Tapia, mas nabigyan sila ng pagkakataong ipakita ang kanilang abilidad sa larangan ng palakasan ng kasalukuyang administrasyon sa kabila ng kanilang pinagdadaanan sa buhay.

Dagdag pa ni Tapia, kaya nilang makipagsabayan sa mga manlalaro abroad kung saan ilang panalo na ang kanilang naiuwi at nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

Samantala, sa ngayon ay may 12 na miyembro na ang naturang national team at naghahanda sa kanilang susunod na international competition sa ASEAN Para Games na gaganapin sa Indonesia ngayong darating na Hulyo ngayong taon. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *