QCPD, inaresto ang lalaking nanaksak ng isang pulis

Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking nanaksak ng isang pulis.

Kinilala ang suspek na si Brian Boldero, isang residente sa Agham Road, Quezon City.

Batay sa ulat ng QCPD, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa pananakit ng  suspek kay Francisco Naquita – isang residente sa Barangay UP Campus.

Rumesponde naman agad ang Quezon City Police pero nanlaban si Boldero at nasaksak ang isa sa mga opisyal.

Nahaharap ang salarin sa kasong serious physical injury at direct assault with frustrated homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *