Quarantine facilities sa Albay, hindi pa inaalis dahil nasa alert level 1 status pa ang lalawigan

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Albay Provincial Health Office (APHO) na hindi pa inaalis ang quarantine facility sa lalawigan dahil kasalukuyang nakataas sa COVID-19 alert level 1 status ang nasabing lalawigan.

Ayon kay PHO Head, Dra. Estella Zenit, hangga’t mayroong COVID-19 sa bansa, mananatili pa rin ang mga nasabing pasilidad.

Aniya, may mga PPEs pa rin sa mga ospital na ginagamit upang hindi mahawaan ng sakit ang healthcare workers.

Minomonitor pa rin ng tanggapan ang mga ospital at nurses upang tingnan ang kanilang mga sitwasyon.

Dagdag pa nito, nagpapaalala pa rin ang PHO sa publiko na magpabakuna ng boosters upang mabigyan ng proteksyon laban sa naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *