Queen Elizabeth II, pumanaw na sa edad na 96

Kinumpirma ng Royal Family na pumanaw na sa edad na 96 si Queen Elizabeth II.

Sa pahayag ng Buckingham Palace, mapayapang namaalam si Queen Elizabeth sa Balmoral sa Scotland at nakatakdang bumalik sa London ngayong araw.

Ang pinakamatanda nitong anak na si Charles, edad 73, ay otomatikong magiging King.

Si Queen Elizabeth ang pinaka-mahabang monarch ng Britain sa loob ng higit sa pitong dekada.

Taong 1952 nang maging Queen ito matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si King George VI habang nasa tour sa Kenya kasama si Prince Philip.

Pormal naman itong kinoronahan noong 1953.

Nasaksihan ni Queen Elizabeth ang pagbangon ng UK mula sa giyera, pati na rin ang pagpasok nito hanggang sa pag-alis sa European Union.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *