Queen Elizabeth, minarkahan ang ika-95 kaarawan

Minarkahan ni Queen Elizabeth II ang kanyang ika-95 kaarawan sa pamamagitan ng isang mensahe ng pasasalamat sa mga tao na nagpakita ng suporta sa kanilang pamilya kasunod ng pagkamatay ni Prince Philip.

Ayon sa reyna, nakagaan sa kanilang pakiramdam sa gitna ng kanilang pagluluksa, ang mga nakikita at naririnig nilang mga tributes para sa kanyang asawa.

Anya, patuloy na naipapaalala sa kanila na nakagawa si Philip ng extraordinary impact sa hindi mabilang na tao noong nabubuhay pa ito.

Matatandaan na hinatid na sa huling hantungan si Prince Philip, the Duke of Edinburgh, noong Linggo matapos ang kanyang pagpanaw noong April 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *