Quezon 2nd District Mayors, iminumungkahi ang mas mahigpit na community quarantine sa kanilang lugar

Sa isinagawang pagpupulong ng Quezon Inter-Agency Task Force via Zoom Teleconferencing nitong Martes sa pangunguna ni Governor Danilo Suarez at Congressman David Suarez, iminungkahi ng mga alkalde ng ikalawang distrito ng lalawigan na itaas pa ang quarantine status sa kani-kanilang mga bayan.

Hiniling din nila na mas maghigpit sa mga border control checkpoints ng distrito at karagdagang personahe ng PNP na magpapatupad ng mga health and safety protocols.

Ang nasabing suhestyon ay upang makontrol ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan.

Nangako naman si Gov. Suarez na gagawan niya ng paraan ang kahilingan ng mga alkalde sa kabila ng limitadong pondo ng probinsya dahil kasalukuyang nasa ilalim ng re-enacted budget ang pamahalaang panlalawigan.

Sa mga nakalipas na araw ay mataas pa rin ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa ikalawang distrito ng Quezon na kinabibilangan ng mga bayan ng Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Dolores at lungsod ng Lucena. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *