Quezon healthcare workers, recycled na PPEs ang ginagamit dahil kapos sa badyet

Inihayag ni Integrated Provincial Health Office (IPHO) Head Dra. Grace Santiago na karamihan sa mga healthcare workers ng lalawigan ng Quezon ay napipilitang mag-recycle ng kanilang mga Personal Protective Equipments (PPEs) ayon sa isang panayam.

Ayon kay Santiago, ginagamit muli ng mga healthcare workers ang kanilang mga PPEs ng dalawa hanggang tatlong beses kung saan nilalabhan nila ito at dini-disinfect para magamit muli.

Ang hindi pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan sa mahigit 3.8 bilyong piso na 2021 Supplemental Budget ng lalawigan ang dahilan ng pagkaka-hold ng badyet ng kanilang opisina kung kaya’t kapos ang suplay ng PPEs at iba pang kagamitan ng mga healthcare workers.

Sa kasalukuyan ay nangangalap ng tulong at donasyon ang kanilang opisina upang tugunan ang problema sa PPEs.

Nakatakdang magsagawa ng regular na sesyon ang Sangguniang Panlalawigan kung saan sesentro sila sa mga COVID-19 updates at iba pang usapin na may kinalagan sa kalusugan.

Umaasa naman si Santiago na bibigyang prayoridad ng mga Bokal ang COVID-19 response ng lalawigan sa nasabing sesyon. | Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *