Quiapo Church, tiniyak ang kahandaan sa pagbabalik ng pahalik sa Poong Nazareno

Tiniyak ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar Fr. Douglas Badong na regular ang kanilang ginagawang sanitation sa mga pasilidad ng simbahan lalo na ang Poong Nazareno para sa kaligtasan ng mga deboto.

Aniya, maaari na muling hawakan ang imahe ng Itim na Nazareno matapos itong itigil noong March 2020 dahil sa banta ng Covid-19 pandemic.

Mahigpit namang ipinagbabawal na halikan o ilapit ang ilong sa Poon maging ang pagamit ng panyo upang maiwasan pa din ang posibleng hawaan ng sakit.

Samantala, panawagan naman sa mga deboto na patuloy pa ding sumunod sa health protocols upang magtuloy-tuloy na ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa Black Nazarene, ngayong mas maluwag na ang restrictions sa bansa.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *