QUICK RESPONSE TEAM NG DPWH, NAKAPOSISYON NA SA 32 NA LUGAR SA REHIYON DOS

Nakaposisyon na ang Quick Response Team ng Department of Public Workls and Highways Region 2 bilang paghahanda sa posibleng pinsalang dulot ng super typhoon Mawar sa mga lansangan.

Pinaigting ng ahensya ang paghahanda kung saan nakadeploy na ang kanilang mga personnel maging mga equipment na gagamitin.

Ang mga quick response asset ng ahensya ay nasa 32 strategic location sa lambak ng Cagayan. Magkakaroon ng mga assistance stations sa mga national roads para sa mga clearing operations sa lansangan kung saan pangungunahan ito ng DPWH mainetance team.

Bukod dito ay nakahanda rin ang mga kagamitan at sasakyan ng ahensya sakaling kailanganin ng ahensya sa pagtulong ng mga posibleng rescue operations.

Partikular na nakaposisyon ang Quick response team ng DPWH sa mga bahain at mga lugar na nakakapagtala ng madalas na pagguho ng lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *