Quimbo: Pagtapyas sa SSS at GSIS funds, walang epekto sa Maharlika Fund

Tiniyak ni House Appropriations Committee vice chairperson at Marikna Rep. Stella Quimbo na hindi makaaapekto sa pangunahing layunin ng Maharlika Investment Fund (MIF) ang ginawang pagtatanggal bilang seed money ng SSS at GSIS.

Matatandaaang kahapon nang ianunsyo ni Quimbo na co-author din ng panukala ang pagtatanggal sa SSS at GSIS funds bilang bahagi ng inisyal na allocation ng MIF.

Ito ay makaraang batikusin ang paglalagay sa MIF ng pension funds na buong buhay na pinag-ipunan at kinontribute ng mga miyembro ng mga state pensioners.

Ayon kay Quimbo, mahahanap pa raw sila ng iba pang mga surplus funds na maaaring pagsama-samahin sa naturang pooled sovereign funds.

Sa ngayon, hindi umano ito magiging ‘big blow’ sa mismong pangunahin layunin ng Maharlika Fund na pagpapalago ng pera para sa mga posibleng government projects.

Sa oras naman aniya na mapatunayang epektibo ang MIF ay maaari na rin sigurong ipasok ang SSS at GSIS funds at mamuhunan sa pamamagitan na lamang ng voluntary basis.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *